
==~*Death*~==
Sa puting silid ng nagliliwanag na ilaw…
Kulasa: Nakakasilaw naman ang lights…
Asan na ba ako…
Ambango… ang yummy ng amoy...
Teka?
(napalingon sa isang bahagi ng kwarto)
Kulasa: Ui!!! may tao pala dito...
hindi ako loner...
lapitan ko nga...
(lumapit si Kulasa sa tao)
Kulasa: Ahmm...excuse me po...
Pwede po bang magtanong...
(humarap ang tao)
Kulasa: OMG...
totoo ba ang nakita ko...
Kalaro...ikaw pala yan...
Andito ka din...
Anong lugar ba ito...
Kalaro: Kulasa, ang aga mo naman!!!
Bakit andito ka kagad!!!
Kulasa: Hindi ko din alam...
basta kanina pagmulat ko...
andito na ako...
Kalaro: Ah...ano ka, bumibisita?...
Kulasa: Ah,..eh,...Opo...
Kalaro: Masaya naman ako dito...
walang hirap puro saya...
at hindi ako nangangamba...
Kulasa: Eh...kami ba naaalala mo...
nakikita mo ba kami mula dito...
Kalaro: Oo at palageh...
nakikita kita, kayong lahat...
minsan nga lang nacacarried-away ako...
napapadrama tuloy ako...
Kulasa: Hay!!! Ganun...how thoughtful...
Namimiss nga kita eh..
Alam mo ba?
Kalaro: Hindi ko pa alam?
Kulasa: Hmmp...
sabi ko nun pagkagradute ko...
magpupunta tayo dun sa..
crispy ang manok at may
libreng maskot na buyuyog...
kaso umalis ka naman...
Kalaro: Oras ko na kasi...
Kulasa: Nakakalungkot yun...
Umiyak ako with all
my tears...
Kalaro: Wag kana malungkot...
masaya naman ako dito...
sana maging ganun din kayo...
Kulasa: Pwede ba akong sumama...
Kalaro: Saan?
Kulasa: Doon sa bagong tirahan...
mong palasyo...
Kalaro: Sa bagay masaya dun...
Sige sasama kita...
Oh ano tara na...
Kulasa: Medyo nakakalungkot...
huhuhuhu...(singhot...singhot)
pero sige...yummy naman ang
pagkain dun...
masaya pati walang lungkot...
Kalaro: Oh tara na!!!
Kulasa: Cge tara na!!!
salamat nagkasama din tayo...
(pumasok sa maliwanag na pintuan ang dalawa)
(sabay ang pagtunog nang mahabang toooooooooooooooooot...)
Sa tunay na buhay, ay madami pa din ako katanungan sa aking sarili. Nakakabaliw mag-isip ng literal kung saan ka pupunta, o bago man yun pano ka muna buhay? Ako mamamatay hindi ko pa ata kaya. Ayokong sirain ng kamatayan ang madami kong pangarap. Pero sabi nga nila ito ang batas na hindi mo kayang iwasan, sa isang iglap nakita mo sya, mamaya: ui patay na si ano? huh kakakita ko lang kanina eh.
Last will and testament (tama ba ang sfeyling ko).Impormal ko mang nasimulan nais ko sanang ipagpatuloy pa, sapagkat ito ang tunay na ako. Kamatayan bow!!! Ayoko sanang ganito ang isulat ko este ikumpyuter pala.
Korte
Ayoko sanang pangunahan
Ang buhay kong nasa sisidlan
Nang pangarap at pawang kasiyahan
Mahirap hatulan ng kamatayan
Gusto kong sumigaw
Pumiglas na parang sumasayaw
Magpumilit abutin ang araw
Ngunit mailap at sa aki’y ayaw
Namamawis at natatakot
Sa mata makikita ang poot
Hiling ko’y mata’y maimulat
Sana ito’y isang bangungot
Sana mabasa nila ito at mapagmuni-muni kung gaano ako takot mamatay at maiwan sila dito sa mundong ibabaw. Minsan kasi ang alam lang nila yung nakikita nila, yung asal ko, yung porma ko, yung salita ko. Duwag sila, matapang ako pero alam ko duwag ako sa multo, multo ng kakimkiman. Gets mo? (pag hindi slow ka...)Oo tama takot ako sa multong yan, kasi nakita ko na yan sa salamin, ang kaibahan sa halip na tumakbo ako sa takot, nakakaiyak yan, nagiging uhugin tuloy ako tapos yung unan ko basang basang.
Itong last will and testament ko walang dalang pamana ito, nais ko lang ilahad ang takot ko. Nabanggit ko na takot ako sa multo ng kakimkiman, yung emosyon ko kasi eh, bestfriend ko yun. Naiyak ako dun sa tuwing napapagalitan ako, sa tuwing malungkot ang buhay, broken hearted. Teka broken hearted mayroon akong pyesa para dyan, kasi kaibigan ko din ang gitara, nakanta kami nun eh.
3rd Party
Naisipan kong magtanong sa aking sarili
Kung ano ang kulang sa akin
Bakit nila ako iniiwan
Sabi ng iba nasakin na daw ang lahat
Pero bakit ganun lagi nalang akong
umiiyak
korus:
Kala ko ba mahal mo ako
Pero iniwan din naman ako
Ano bang kasalanan ko
May pagkukulang ba ako
Basta ang alam ko lang nagmahal ako
Buong puso at katapatan inialay sayo
Ayan para naman yan sa mga taong minahal ko kaso iniwan ako o kaya ako nang-iwan kasi sila ang may pagkukulang. Kaya ngayon ang buhay ko ay malaya. Bago ko mamamatay makonsensya naman kayo sa mensahe ng kanta ko.
Sa totoo lang ayoko ng may mamamatay kasi malungkot, daig pang nanoood ng teledrama kasi nakakaiyak kahit walang effects. Tapos para kang mamamatay sa kakaisip kung nasan ba sya kung katabi mo lang ba sya, kung akap ka ba nya o tinititigan ka nya habang natutulog.
Gusto ko pag namatay ako ang sasalubong sa akin yung Kalaro ko ayoko kay San Pedro lumang bersyon na sya. Gusto ko yung parang nasa airport ako tapos may susundo sa akin. Minsan iisipin ko na gusto kong mawala kahit sandali lang makita ko lang Kalaro ko tapos aakapin ko lang sya tapos aalis na ako. Kaso ngayon mukang sasama ako sa kanya sa palasyo ng madaming pagkain. Pagsumama ako pano na sina:
Mama- may sakit pa naman yun, pano kung sumakit nanaman ang balikat, baywang, batok, kamay nun sinong maglalambing sa kanya.
Bunso- wala na akong malalambing, wala na ding magshoshw sa akin, wala na akong mapapagalitan, gusto ko pa naman itago ang mga hotwheels nun.
Papa- pano yun hindi ko na sya mapapabilib sa mga edit edit na yan sa photoshop CS2, hindi na ako makakatikim ng chocolate yung dark huh.
Pinsan- wala na akong kabiruan at magbibigay sa akin ng jokes kada buwan kung magkita kami.
Pamilya- wala ng mag-uuwi sa akin ng gamit galing divisoria;
walang magtuturo sa akin ng dapat at hindi dapat;
wala ng libreng halo-halo at fishball;
walang pagkaing masarap;
wala akong mahihingan ng kotong.
Kaibigan- sana umiyak sila sa burol ko.
at sa pagkakataong yun
masabi padin nila na para lang akong
natutulog.
maalala ang pagtawa ko na
nawawala ang mata ko.
Sa pagsundo sa akin ng Kalaro ko nais ko sana ang mga sumusunod:
· Sa burol ko
Pink sana kulay ng kabaong ko
Piliin ang pinakamagandang serbisyo
Ayusan ng mala dyosa ang mukha ko
Damit ko nawa’y nasa uso
· Sa libing ko
Lahat ay gagayak
Sa libing ko’y maganyak
Ikaw sana ay umiyak
Sabay ng puso mong nabiyak
· Sa naiwan kong gamit
Gamit kong naiwan
Inyong pakaingatan
Kayo’y hindi iiwan
Dahil kayo’y babantayan
· Kung kayo’y malungkot
Huwag malumbay
Ako sayo’y sasabay
Sa likod mo’y aantabay
Wag ka lang lulubay
· Kung iniisip mo ako
Iniisip mo ba ako
Sa bawat pag-ikot ng relo
Na sanay kapiling mo
Damhin mo ako
Umaakap sayo
· Sa darating na panahon
Huwag akong limutin
Kung ayaw mong ika’y dalawin
Ni wag akong subukin
Makakatikim ka ng kilabot sa akin
Kung ako’y mamamatay, sana’y di nila malimot si Kulasang kutatera. Ako’y yayao na kasama ang Kalaro ko, pupunta kami doon sa palasyong yummy ang pagkain.
==~*Im not yet ready to die.*~==